Hinihintay kita Habang hinahabol mo siya Tipong naglalaro tayo ng habulan at ikaw ang taya Oo taya ka Pero bakit parang may halong daya

Hinihintay kita Habang hinahabol mo siya
Tipong naglalaro tayo ng habulan at ikaw ang taya
Oo taya ka Pero bakit parang may halong daya?
Kasi siya lang ang hinahabol mo
Habang ako ritoy nakahilapa

Sa kakahintay sa mga kamay mong dumapi sa aking mukha
Na parang kahit kailan may hindi gagawan ng paraan ni tadhana

We Will Write a Custom Essay Specifically
For You For Only $13.90/page!


order now

At ako naman tong si tanga
Naghihintay parin hanggang sa ikay tumingin at isiping ako’y parti rin ng inyong tula

Na dahil kong wala Si Ako malamang di mo makikila Si Siya
Hanggang Si Ikaw ay nagkagusto sa kanya
Habang si Ako ay nilapitan ni Siya Para magpatulong para mapaamin ka

Na kahit na ang puso ni Ako ay nababasag na
Dahil sa nalamang ang mundo koy makukuha na ng iba

Hanggang si Ikaw ay sinagot na Si Siya
Habang Si Ako ay naging tagasuporta’t tagapayo sa inyong dalawa

Nakapag may away Si Kayo
Laging Si Ako ang nilalapitan Ninyo

Dumaan ang mga araw at gabing
Si Ikaw, ay nakayap kay Ako
Dahil sa sobrang nasaktan ka sa ginawa ni Siya
Ngunit kahit ganun pinatawad mo parin yong tangina!
Na kahit nandito Si Ako para pasiyahin ka
Siya parin ang pinili mo dahil Si Ikaw ay tanga
(Pero mas tanga ako dahil umasa akong maytsansa pa)
Ngunit heto si Ako nagpaparaya

Na kahit ang puso ni Ako ay pagod na’t sugatan
Sa mga away Ninyong Si Ako ang nasasaktan

Dahil si Ako ay mahal Si Ikaw
Ngunit dahil may KAYO at simpleng magkaibigan lang TAYO at Pangatlo lang sa relasyon ninyo

Doon ko napagtantong
Ang Hirap pala maging Pangatlo
Hindi pagiging kabit ang tinotukoy ko
Kundi ang pagiging Thirdwheel sa Taong Mahal Ko